Saturday, March 1, 2014

Mas Marami, Mas Marangya, Mas Masaya!

Gaya nga ng natutunan ko sa klase, nasa mentalidad na talaga nating mga Pilipino ang kaisipang mas marami, mas marangya. Makikita ito sa halos iba't ibang aspekto ng kulturang Pilipino, mula sa pananamit hanggang sa pagkain. Kaya naman hindi kataka-takang tuwing mayroong pagdiriwang sa isang bayan, laging bongga at all-out ang selebrasyon. 





Heto ako kasama ang aking buong pamilya sa Baguio nang makisaya kami sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival! Pagandahan, paramihan, parangyaan ng disenyo ng pinakamagandang float.






Mula sa Summer Capital ng Philippines, 

Ms. World. 


Friday, February 21, 2014

Conyo from (the) Ateneo

Hindi na maiaalis ang estereotipong kapag sinabing taga-Ateneo ka, you’re conyo na.



Ayon sa urbandictionary.com, nagmula ang salitang conyo sa Espanya, coño. Para sa mga Espanyol, tumutukoy ito sa pribadong bahagi ng mg babae. Para naman sa ating Pilipino, mayroon tayong ibang klaseng pagpapakahulugan rito. Kadalasan nating ginagamit ang salitang conyo upang tumukoy ng mga taong nakaangat ng antas, matapobre at brat.

Masasabing isa na namang ebolusyon ng wika ang pagiging conyo. Madalas itong binubuo ng mga salitang pinaghalong Tagalog at Ingles. Iyon nga lang, medyo mas sosyal ang dating HAHA

Dahil sa kasikatang natamo ng pagiging conyo, mayroon na ngayong tinatawag na THE 10 CONYOMANDMENTS.



Pero luma na iyan. Heto na ang bago. Pakinggan natin ang kantang isinulat ng bandang Perkywasted na nagmula mismo sa Pamantasan ng Ateneo. 

CONYO FROM ATENEO
by: Perkywasted

lyrics

Yaya, I want you to buy me some chichirya.
If you don't want to, karma.
Mommy, I want a puppy.
(No!)
Ano? You don't want an aso?
Fine.

Yo, I am Ganito
Cause I'm a conyo from Ateneo.

Yaya, don't make kalikot my iPod
cause it's high t-tech t-tech.
My iPod.
Daddy, I made sira to the Ferrari.
You know the one made in Italy?
Sorry.

Yo, I am Ganito
Cause I'm a conyo from Ateneo.

Hassel sa massel, strain sa brain
bad vibes man, nakaka-insane.

Yo, I am Ganito
Cause I'm a conyo from Ateneo.

mula sa We Commute To Gigs, 
inilabas noong 10 February 2013
Recorded at Perthman Records. Personnel:Raj Sangalang - VocalsIan Invencion - Guitars/back-up vocalsJigo Virina - Bass Guitar/back-up vocalsMax Cinco - Drums/back-up vocals


Upang mapakinggan ang buong kanta, narito ang link na magdadala sa iyo sa soundcloud account ng banda. 

https://soundcloud.com/perkywasted/perkywasted-conyo-from-ateneo



Mga sanggunian:

http://www.urbandictionary.com/define.php?term=coño&defid=1665375

http://perkywasted.bandcamp.com/track/conyo-from-ateneo

http://katorzeh.wordpress.com/2012/02/24/ikaw-conyo-ka-ba/

http://momsterteacher.com/2012/08/the-ten-conyo-mandments-tips-how-to-be-xoxal/




Friday, February 14, 2014

Google Can't Translate

         Madalas tayong gumamit ng Google Translate para sa ating mga papel lalong-lalo na kapag kailangang nakasulat ito sa wikang Filipino (Hm, aminin!) Ngunit malaki ang paniniwala kong katangi-tangi ang wikang Filipino kaya naman hindi lahat ay kayang isalin ni Google. 

        Paano na lang kung kailangan mong isalin ang mga sumusunod na salita ngunit walang ibang masagot si Google Transalate kundi NGA NGA! Narito ang walong salitang tatak Pinoy na hindi maisalin sa Ingles! ASTIG!



1. PASMA
- sakit na nararamdaman sa kalamnan kapag nabasa ang isang parte ng katawan matapos pagpawisan o mainitan

“Huwag kang maghugas ng kamay pagkatapos mong mamalantsa. Mapapasma ka!”

2. PAMBAHAY
- komportableng klase ng damit na karaniwang sinusuot kapag nasa bahay lamang 

“Hoy! Magpalit ka ng pambahay. May mga bisita tayo.”
























3. DISKARTE
- kakaibang paraan 

“Akong bahala. Diskarte ko na ito.”























4. SAYANG
- karaniwang ekspresyon kapag may isang bagay na hindi nagawa

“Sayang! Hindi ako umabot sa kaarawan ni Jennifer.” 
5. TAMPO
- pagpapanggap na galit upang lambingin

“Huwag ka nang magtampo. Ang tagal kasi umalis ng nasakyan kong bus…”
6. PIKON
- maaaring galit na nararamdaman kapag naaasar

“Natalo ka ngayon; huwag kang pikon!”




























7. GIGIL
- matinding kagustohang pisilin o kurutin ang isang bagay dahil "cute" ito 

"Nanggigigil ako sa sanggol! Ang taba-taba niya kasi."


8. KILIG
- isang pakiramdam na maaaring bugso ng damdamin lalo na kapag nakaramdam ng pag-ibig

‘Kinikilig ako sa tambalang Chichay at Joaquin.”



























Sanggunian:
http://8list.ph/site/articles/8-filipino-words-that-do-not-translate-to-english-205

Saturday, January 11, 2014

The Vice Ganda Dictionary



HAVEY

- karaniwang ginagamit upang magpahayag ng pagsang-ayon o pagkatuwa sa isang joke o pahayag



WALEY
karaniwang ginagamit upang magpahayag ng hindi pagsang-ayon o hindi pagkatuwa sa isang joke o pahayag



PUCHU PUCHU
- naglalarawan sa isang bagay na hindi kagandahan; produkto ng "basta na lamang may magawa" 



UNKABOGABLE
- ipinagsamang "KABOG" at "BONGGA"; walang makatatalo, walang makapapantay





EKSAHERADA
- nagmula sa salitang "exaggerated" sa Ingles; pinagrabe o pinalabis na pahayag o pangyayari 




ANSAVE
- "Anong sinabi?"; Tagalog na bersiyon ng "for real?" ng mga conyo







Mga pinagkunan:

- http://emkayge.blogspot.com/2011/10/si-vice-ganda-at-ang-mga-pinoy.html
- http://ph.news.yahoo.com/vice-ganda-slang-dictionary-083641238.html
- http://media.tumblr.com/tumblr_m421saAfYZ1qd1doe.gif
- http://www.google.com/imgres client=safari&sa=X&rls=en&biw=1280&bih=624&tbm=isch&tbnid=STcXJ2yCj3i86
- http://media.tumblr.com/tumblr_lqdx48Vo2p1qbpxoz.gif
- https://24.media.tumblr.com/068fe3a82b8ac88b0805d7fddfe60c65/tumblr_mv5v7kKTkD1scdzayo1_400.jpg
- https://24.media.tumblr.com/bf09a814289440429a154138a3589d39/tumblr_mn1r9zbU5B1qij1uqo1_500.jpg