Friday, February 21, 2014

Conyo from (the) Ateneo

Hindi na maiaalis ang estereotipong kapag sinabing taga-Ateneo ka, you’re conyo na.



Ayon sa urbandictionary.com, nagmula ang salitang conyo sa Espanya, coño. Para sa mga Espanyol, tumutukoy ito sa pribadong bahagi ng mg babae. Para naman sa ating Pilipino, mayroon tayong ibang klaseng pagpapakahulugan rito. Kadalasan nating ginagamit ang salitang conyo upang tumukoy ng mga taong nakaangat ng antas, matapobre at brat.

Masasabing isa na namang ebolusyon ng wika ang pagiging conyo. Madalas itong binubuo ng mga salitang pinaghalong Tagalog at Ingles. Iyon nga lang, medyo mas sosyal ang dating HAHA

Dahil sa kasikatang natamo ng pagiging conyo, mayroon na ngayong tinatawag na THE 10 CONYOMANDMENTS.



Pero luma na iyan. Heto na ang bago. Pakinggan natin ang kantang isinulat ng bandang Perkywasted na nagmula mismo sa Pamantasan ng Ateneo. 

CONYO FROM ATENEO
by: Perkywasted

lyrics

Yaya, I want you to buy me some chichirya.
If you don't want to, karma.
Mommy, I want a puppy.
(No!)
Ano? You don't want an aso?
Fine.

Yo, I am Ganito
Cause I'm a conyo from Ateneo.

Yaya, don't make kalikot my iPod
cause it's high t-tech t-tech.
My iPod.
Daddy, I made sira to the Ferrari.
You know the one made in Italy?
Sorry.

Yo, I am Ganito
Cause I'm a conyo from Ateneo.

Hassel sa massel, strain sa brain
bad vibes man, nakaka-insane.

Yo, I am Ganito
Cause I'm a conyo from Ateneo.

mula sa We Commute To Gigs, 
inilabas noong 10 February 2013
Recorded at Perthman Records. Personnel:Raj Sangalang - VocalsIan Invencion - Guitars/back-up vocalsJigo Virina - Bass Guitar/back-up vocalsMax Cinco - Drums/back-up vocals


Upang mapakinggan ang buong kanta, narito ang link na magdadala sa iyo sa soundcloud account ng banda. 

https://soundcloud.com/perkywasted/perkywasted-conyo-from-ateneo



Mga sanggunian:

http://www.urbandictionary.com/define.php?term=coño&defid=1665375

http://perkywasted.bandcamp.com/track/conyo-from-ateneo

http://katorzeh.wordpress.com/2012/02/24/ikaw-conyo-ka-ba/

http://momsterteacher.com/2012/08/the-ten-conyo-mandments-tips-how-to-be-xoxal/




No comments:

Post a Comment